anong petsa na?

Friday na pala, ang bilis ng panahon, araw at oras. hindi ko rin namalayan alas siete (7PM) na pala. naisipan kong mag review kahit konti para sa Tariff 3 ko, computation kasi. sumagi din sa isip kong uminom, pam pagana lang pero hindi nalang, wala na akong pera eh, although may natirang gran matador nung bday ko, ayaw na rin ako painumin ni philipp dahil naging "suka queen" ako nung bday ko nung march 10. nung mag midterm exam, nagreview ako kasama ng alak; infairness masarap huh.


pero ngayon para akong tange, parang naka inom ako. hahaha, hindi naman. lecheng buhay to, bangag lang siguro ako sa problema ko. sa monday na yung hearing, kaya medyo tensionado; tuesday naman finals ko. ang saya d ba?

sa buhay ng isang estudyante hindi nawawala ung mapag isip ka kung paano ka kinabukasan, kung ano mangyayari sa'yo -- sa araw mo. minsan naisip ko, estudyante ba talaga ako? paano kasi, iisang subject nalang ang pinapasukan ko ngayong sem. 5:30-7PM pa. ang boring di ba? leche kasing schedule yan.


minsan nakaka inis mga classmate ko, tingin nila sakin labas pasok lang ng school. papasok ng walang alam, lalabas ng hindi man lang naintindihan ung lesson. kutusan ko sila eh! kung hindi lang ako huminto e d sana maganda buhay ko ngayon - nagtratrabaho. pero ang baho naman nun, trabaho agad. well good for me kasi nakapag work naman ako kahit huminto ako. yun lang ang baho din ng nilagpakan ko -- political party na jologs ang head ng department namin; ang layo pa sa course ko. minsan, kung hindi talaga para sa'yo kahit anong pilit alang nangyayari. minsan naman, nandyan na sa harap mo -- igragrab mo nalang, ayaw mo pa. ang hirap maging estudyante na masarap. parang sex, masakit pero nag eenjoy. mahirap man ung mga ginagawa, naeexplore mo naman ung sarili mo. anyway, baka kung san pa mapunta kwento ko. tagay nga! ~

0 COMMENT:

Copyright © 2013 Is this paper? and Blogger Templates - Anime OST.